Text
Photo Set
Photo Set

Saraaaaap :( Ughhhh

(via nessathefilipina)

Source: mistercapslock
Photo Set

One day we’ll be together again, and we’re gonna do this. <3

(via nessathefilipina)

Source: ohitschelle
Photo Set

herpointsofview:

"The past week leading to this day, have been crazy happy moments but today marks the start of what i know will be happier life with you. A life of freedom and adventure, A life of love that only seems to grow stronger as we get older. A life of laughter at the silliest of things. A life of growing with each other."

Sweeeeet. <3

(via nessathefilipina)

Source: baba-pottie
Photo
Photo Set

welovejamesxreid:

james reid in diary ng panget trailer

Wouldn’t you swoon at the sight of James Reid?

Hottieeee <3

Source: dianaemden
Text

Kung pinaglaban kaya kita dati, andito ka pa rin kaya sa tabi ko ngayon? Kung hindi ko ba hinayaan na lumayo ka , andito ka pa rin kaya? Kung hindi ba ako tumigil sa pagpunta sa inyo dati, tayo pa rin kaya hanggang ngayon? Namimiss na kita sobra. Feeling ko, hindi na ako makakakita ulit ng gaya mo. Kasi natatakot na ko eh. Sobrang natatakot na ko magmahal ulit. Feeling ko palagi nalang ako masasaktan. Paulit ulit lang yung mangyayari, may dadating pero mawawala din agad. And the worst part is they can’t even replace everything you did for me and the love you gave me. Hindi na kita kinakausap kasi alam kong wala ng mangyayari. Masaya ka na. Tapos tanggap ko na talaga na wala na. Kaya lang pag naiisip kita sobrang namimimiss ko talaga lahat. Feeling ko sasabog yung puso pati utak ko sa tuwing naiisip ko lahat ng yun. Nalulungkot ako sobraaaaa.

Text

Ngayon ko lang naisip. Bakit kaya niya ako iniwan dati no? Bakit kaya pinagpalit niya kaagad ako sa iba. As in agad agad. Yung tipong after three days, may bago na siya. Ano kayang rason niya nun? Nasaktan ko ba siya nung binigyan niya ko ng letter nung makikipagbreak na siya sakin? Kasi nagsulat ako tapos ang sinabi ko lang sa sulat is, “Ok.” Ang gago ko kasi nun. Nakalimutan ko yung sinabi niya na kahit anong mangyari, lalaban kami. Na kahit makipagbreak siya wag akong papayag. Kasi mahal niya ko tapos mahal ko siya. Sayang talaga yun. Hanggang ayon nanghihinayang ako.

Text

Akala ko kanina katapusan ko na. Pano, Galing kami sa Pacita, tapos yung nanay ko napakakulit. Atat na atat tumawid. Sinabihan ko siya na, wag tatawid kung san kasi pag nasagasaan ka wala kang laban kasi wala ka sa tamang tawiran. Tapos kaya daw tatawid na agad kasi madilim daw daan malapit sa gasolinahan. Eh wala naman sigurong susulpot dun no. Hindi siya nakinig, pilit pa din niya yung gusto niya, edi wala akong nagawa sumunod pa din ako sa kanya. Eh medyo nauna ako ng konti, tapos sabay may humaharurot na jeep. Ayaw paawat nung jeep. Kaya ayun muntik na ko mabangga. Isang dipa nalang tepok na ko. Kasi sobrang bilis nung jeep. Buti nalang kamo, tumigil yung jeep. Kung hindi, baka baldado na ako at may amnesia. ( Sayang! Amnesia yun! ) o baka pinaglalamayan na ko. Ang kinainis ko, sinigawan pa ko ng nanay ko, tumakbo pa daw ako. Alangan hindi ako tumakbo diba? Edi namatay ako nun? Kainis talaga. Sinigawan ko din siya sa sobrang asar ko. Sabi ko, “Tawid ka pa kasi kahit saan! Tapos sakin ka magagalit kasi tumakbo ako?! Gusto mo tumawid dun diba?! Tang ina kasi eh! Pipigilan niyo pa ko tumakbo edi lalo akong nahagip! Hinila niyo pa ako! Buti nalang tumigil yung jeep!! @#$%&!?” Tapos siya tahimik nalang. Kumulo talaga dugo ko sakanya, promise. Kahit nanay ko pa siya. Ewan ko ba. Sabay ngsasalita siya habang naglalakad kinabahan daw siya, nanginginig daw siya. Di ko nga pinansin. Nauna nalang ako maglakad. Nabwisit kasi talaga ako. Haaay. Hanggang ngayon nga naasar pa rin talaga ako. Sana naman natuto na siya wag tumawid kahit saan.